Saturday, November 27, 2004

An Outlet... just for a while to be free...



A spontaneous decision that lead to a nice night... huh... i'm kindda itching to type and recount all the events. Anyway, Leah had started to tell her story, so I just need to add a little about it.


It started when I asked lou-anne: (The conversation I guess, it's details are no longer the exact one...)


me: "Lou, pupunta ba tayo mamaya?"

Lou: "Ikaw?"

me: "wala me libro eh!"

Lou: Biglang hablot ng mga libro ni trish and bigay sa amin...


Obviously, iyon na yung start, then a little bit of guessing game to ease our boredom... tapos may message na ipinasa sa amin, leah's message asking kung meron kaming extra book with us, "sorry wala na". After class, yun na, si leah naghahanap ng book, so sinamahan namin siya sa house ni Mary, tapos titignan din namin kung sasama si Mary pabalik ng uste, sa kasawiang palad di siya pinayagan. But it's really nice of her na papuntahin ulit kami sa house niya. Then, kami-kami na lang ang bumalik sa uste... after which, we stayed at the lobby of the main building waiting for no other than SD, Pai, Michael, Mabel, and Joel, pero unfortunately si SD lang ung dumating... late pa!


So iyon na yung mahabang kwento, pumila at tumayo ng higit isang oras bago papasukin sa grandstand. Since nasaharapan kami, kami ung parang nasa moshpit ung stage... hehe... nice place, kitang-kita, swak-na-swak, malapitan... syempre ang balak sana namin ay 8 umuwi, dahil nga 5 naman ung start, tapos ang paalam ko lang ay through text na gagabihin me ng uwi, without any reason kung bakit. And again waitiing game na naman... mga 7 na ung concert nagstart, nandoon ung bamboo, cambio?!, imago, sugarfree, fragile?!, chicosci, mymp, spongecola, southborder at kung sinu-sino pang mga banda.


Enjoy naman yung concert, lalo na nung nag-start ung bamboo... may technical error pa nga kay Ira, yung guitar niya hindi tumutunog, habang kumakanta yung vocalist... syempre ask ko si leah kung sino yung nakared, and leah did tell me all the necessary informations, cute kasi yung nakared... and syempre madami na yung nagwawala dahil nga sa kanya, meron yung sumigaw na "Ira, na babading ako sa iyo!" at "Mahal kita Ira!". After nun yung may iba-iba pang banda ang sumunod... ang peste nga lang kasi yung naturingan na graduate ng uste (fragile) yung kumanta, ang tagal, at ako pesteng-peste na, kasi nga gabi nang masyado, hindi pa ako kumakain, hindi ko pa alam kung ano yung sasabihin ng parents ko, at hindi ko pa nakikita si duncan ng southborder... sumisigaw na nga kami ni leah na "lumayas ka na dyan!" after nung last song, balak na sana naming umuwi, then, sabi ni leah na maganda daw ung next performer chicosci... so pinanuod namin... cute yung nakablack na si Mong, kaysa dun sa bumuga ng tubig na si Migs, Migui, or whatever his name is... Miguel naman siguro iyon. At ito naman yung mga superduper fanatics na sumigaw sa tengga ko...grabe kakabingi... and then inask ni leah na picturan yung guy, unfortunately inisnob kami yung marshall na nakasalamin... samantalang nung sa bamboo, pinayagan.


Then, after nung last song nila, mymp na... yehey... nakita na ni ren at lou yung inaantay nila... Then we decide to go home, kasi past 10 na ng gabi... then habang naglalakad na kami sa gitna ng crowd... nakikipag-siksikan, biglang sinabi ni leah, na "sandali lang spongecola na, bagalan ninyo!" pero yun nagstart na kami na umalis... at kami... umuwi ng masakit ang paa, dahil sa haba ng oras na itinayo namin... and mga 11:30 na me nakauwi ng bahay dahil we drop by 7-11...


Paguwi ko buti na lang hindi ako pinagalitan, tinanong lang kung ano yung pinuntahan ko... siguro alam na nila na nanuod me ng concert sa uste, kung kumain na ba ako, at kung bakit masyado ng late ako nakauwi, na ang usapan ay 9:30... All I can say is it's a nice outlet to release all the tension that's building up inside of me, and a nice way to enjoy life once in a while even though pag-uwi ko iyon pa rin yung same old usual feeling na "caught in the middle", unable to do things to solve all the problems na sunud-sunod na dumating sa buhay ko ngayon.