Sunday, June 12, 2005

tungkol ito dun sa kwenento kong aso este tuta pala, yung kasama ko nung umuulan, kanina namatay na cia. hindi ko alam yung dahilan kung paano cia nagkasakit at bigla na lng hindi kumain. basta ang alam ko nung huli kong kita sa kanya nanduon cia sa labas, paguwi ko galing ng enrolment. hapon na ata nun, mga 6, cyemre kulang pa me sa tulog so diretso tulog na ko, hinayaan ko na yung aso sa labas, tutal nanduon naman yung kapatid ko.


Yun na kinabukasan pag gising ko ng hapon mga 3, hindi daw kumain yung aso, nagulat ako at sabi ng kapaitd ko pakakainin daw niya ito ng asukal baka kc nalason sa labas, sabi naman ng tito ko may trankaso daw yung aso. hanggang sa ikalawang araw na niyang ganun di pa rin cia kumakain - ang palaging irarason ng tito trinangkaso daw yung aso. may trinangkaso ba na hindi mainit? may trinangkaso ba na ayaw kumain kahit uminom man lang? tapos ang nakakaasar pa dito maririnig mo yung tatay mo mismo na sisigundahan yung sinabi ng magaling ko tiyo na di naman vet. at sasabihing na baka nga nung pinaliguan sa ulan. ilan beses ko ring itong narinig sa sarili ko mismong ama. ilang araw na ba ang nakalipas ng paliguan ko sia sa ulan? hindi lng naman cia yung pinaliguan ko, dalawang aso po iyon, bat hindi nagkasakit yung isang aso at namatay?


akala kc ng magaling kong ama na hindi ko alam na ako ang sinisisi nia kung bakit nagkasakit yung aso. kasalanan ko pa siguro ngayon. iyon yung nakakapeste dun eh, alaga nga cia tapos pag may nangyaring masama palagi na lang ako yung sisisihin. ako yung dahilan ng mga ganito-ganyan. nakakaasar lang. tapos nung tinanong ko yung nanay ko ang sabi niya may dala daw malaking buto yung aso pag-uwi nia nung isang araw. kinakain daw nia. eh nakita pala nilang may dalang buto yung aso eh bat di pa nila inalis, alam naman nilang bawal yun sa mga tuta. tapos sasabihin nilang kasalanan ko dahil pinaliguan ko sa ulan. anong sense nun naghuhugas kamay sila? naghahanap ng pagpapasahan ng sisi? bakit ako na lng yung palaging nasisisi? wala akong ginagawang masama, bat ako nlang palagi?


kung hindi lng kayo ang nagpapaaral sa akin matagal na siguro akong umalis sa bahay na ito.