Tuesday, February 1, 2005

routinary...

Ngayong araw na ito... wala lang, walang nangyaring kakaiba kundi yung sermon. I mean, naulit lang yung dahilan kung bakit ako pumapasok - para mag-aral at masermonan. How I hate going to school, kasi naman masyadong dinadown kami ng mga professors namin. Ang akala namin yung tingin nila sa class namin eh, parang average, and maingay lang, kung baga yung tulad ng iniisip ko na tamad lang, yun pala hindi. Ang tingin talaga nila ay "bobo", mahina, walang alam... ano nga ba ang basehan nito? Kung titignan naman natin eh, talagang tamad lang naman kami eh... kung class participation ang paguusapan, i mean yung recitations - kailangan pa ba namin ito... napaka-traditional na nitong issue na ito. Kung sa academic naman ang titignan ng pansin - yun ba ang dahilan? Por que ba wala kaming dean's listers at napunta lang sa section A and B yung mga yun... ang tingin ninyo sa amin "bobo"! Ano ang mga tingin ninyo sa sarili ninyo magaling magturo... che napakapeste ninyo! Ang paplastic ninyo... nakakadiri... Kala mo naman kung sinong kagalingan, purket ba may mga MA degree kayo! Ang kakapal... kala mo naman magaling magimpart ng nalalaman.. Ayaw ko na talagang mag-psych... bullshit ito, sana yung second choice na lang yung pinili ko na aplayan MED. TECH o dili kaya nag-bio na lang ako, at least i can say to my self na tama talaga yung course na napasukan ko for med proper...