Tuesday, February 15, 2005

Santita



Iirap-irap akala'y kagalingan,


Nagmamagaling ng todo,


Subalit wala namang karapatan...


Datapwa'y imulat ang iyong mga mata,

Nang masilayan ang sariling kahunghangan!




Sadya bang ipinaganak kang ganyan,


Isang impaktang di marunong makiramdam,


Walang alam kung hindi ang pang sariling kapakanan,


Di marunong sumunod,

Tinataranta't ginugulo ang buhay ng may buhay.




Nawa'y maramdaman mo,


Na isa kang malaking pasira,


Sa gawain ng mga tao...


Sadyang panggulo lang...

Kaya't maawa ka at magbago na!