Monday, March 21, 2005

Tapos na ang mga requirements... tapos na lahat ng pahirap... next sem... 4th year na ko!!! pero di ko alam kung regular pa rin ako tulad nang mga nakaraan... sana... ipinananalangin ko iyon. ayaw ko kasing pagalitan ng mga magulang ko, at sabihing sayang lang yung perang ginagastos nila, tapos iuuwi ko lang ay bagsak. kanina nga tinawag ako ng mama ko habang may inaayos siya na mga dokumento... tapos ipinakita niya sa akin ung isang folder... tyempong nakaupo ung papa ko dun sa silya, pagtingin ko yung transcipt ng papa ko na halos walang binagsak... puro 1 - 1.5. pangitain ba ito, o may iba pang ibig sabihin... hindi ko alam... basta ang alam ko sana wala akong ibagsak dun sa mga subjects ko, kahit ung ibang requirements madalian ko lang ginawa...

ngayong bakasyon na... hindi pa rin pala ako pwedeng mamahinga... wala pa akong pagpapracticuman yung BSP kasi na inaasahan kong itetext ako di pa rin nagtetext... oi kung sino namang meron na tulunguan nyo kami ni nalipay...