Saturday, June 4, 2005

tag-ulan

kanina nung umulan para akong isang bata na bigla na lang lumabas ng bahay, at dali-dali kong hinila ung aso namin. kc ang sabi ko pag-umulan paliliguan ko cia. so un pinaliguan ko cia, pero di ko naman akalain na magpupumiglas yung aso at mababasa din ako ng ulan. kaya ayon nakiligo na rin ako sa ulan. ang sarap pala ng feeling, na bumalik sa pagkabata walang problema na iniisip. ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano nakalimutan ko ung mga problema na naiisip ko...


sana tuwing umuulan ganito nalang palagi, dalhin ng langit ang lahat ng problema ko at sumabay na makiiyak sa mga iyon.